DAGUPAN CITY – Umaabot sa mahigit 90 katao ang nasawi sa Gaza sa loob ng 24 oras sa nagpapatuloy na mga pag-atake ng Israel.

Ayon sa medical source, hindi bababa sa 93 Palestino, kabilang ang 30 kataong naghihintay ng ayuda sa pagkain, ang napatay sa Gaza sa nakalipas na 24 oras.

Patuloy pa ring tumataas ang bilang ng mga nasawi dahil sa nagpapatuloy na mga pag-atake ng Israel.

--Ads--

Samantala, hindi bababa sa tatlong tao ang napatay at dose-dosenang iba pa ang nasugatan habang isinagawa ng Israel ang sunod-sunod na mga pag-atake sa Syria, kabilang ang pambobomba sa Ministry of Defence at mga lugar malapit sa palasyo ng pangulo sa kabisera ng Damascus.