Nahaharap sa banta ng pagbaha ang mga serye ng pagguho ng lupa ang kabuuang 8,436 barangay sa buong bansa dahil sa nagpapatuloy na pag-iral ng hanging habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.
Tumaas ito ngayong araw, Aug. 15, mula sa dating mahigit 3,600 barangay kahapon.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geo-Sciences Bureau (DENR-MGB), nakabatay ito sa 72-hour rainfall forecast ng state weather bureau at ang impact ng naturang forecast sa mga flood prone at landslide prone areas.
Region 1: 2,835
Region 2: 606
CAR: 624
NCR: 1,252
Region 3: 1,969
Region 4A: 765
Region 4B: 157
Region 5: 224
Region 6: 1
Region 13: 3
Pinapayuhan ang mga mamamayan sa flood at landslide prone areas na maging alerto sa pagtaas o pagbaba ng antas ng baha. Bantayan ang mga lugar na malapit sa mga ilog, dalisdis, at mga daluyan ng tubig (drainage canals).
Pinapaalalahanan din ang mga ito na i-report o ipagbigay-alam agad ang anumang senyales ng paggalaw ng lupa, biglaang pagtaas ng tubig, at makakapal na putik dulot ng tubig-baha.










