DAGUPAN CITY- Tinanggap ng 87 magsasaka mula sa iba’t ibang barangay sa San Nicolas ang P3,000 na fuel assistance bilang suporta sa kanilang pagsasaka.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programang ito na mapalakas ang produksyon at mabawasan ang gastusin ng mga magsasaka, lalo na sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Sa ginanap na distribusyon, binigyang-diin ang importansya ng gasolina sa pagpapatakbo ng mga makinarya at kagamitan sa bukid.

--Ads--

Nagpahayag naman ng pasasalamat at positibong pananaw ang mga benepisyaryo, dahil malaki ang maitutulong ng Fuel Assistance na ito upang mapagaan ang kanilang kabuhayan at maging mas episyente ang kanilang pagsasaka.