BOMBO DAGUPAN – Hindi na gagalawin ang mahigit 70 kabahayan sa Barangay Palua at Bantayan sa bayan ng Mangaldan na maaaring maapektuhan ng gagawing bypass road sa nasabing bayan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay atty.Joseph Emmanuel Cera, municipal councilor sa bayan ng Mangaldan, nagkaroon na ng pag uusap matapos magpatawag ng commitee hearing sa Sangguniang Bayan kung saan dumalo ang mga empleyado sa Department of Public Works and Highways o DPWH kasama ang kanilang abogado at engineers at mga petitioners na pawang mga residente ng nasabing barangay.
Sinabi ni Cera na matapos na pakinggan ang hinaing ng mga residente ay napagdisisyunan na irerealign na lamang o babaguhin ang plano o design ng bypasas road upang makalihis sa mga bahay na orihinal na madadaanan ng proyekto.
Sinabi umano ng abogado ng DPWH na kanilang binabalanse ang kapakanan ng mga may ari ng mga bahay.
Napag aralan din nila na mas mahal ang gagastusin ng gobyerno kung idadaan sa mga bahay ang proyekto dahil ilan sa mga bahay na nakatayo sa lugar ay hindi lang kubo kubo kundi gawa sa matitibay na materyales, at dalawang palapag na bahay na pawang magaganda.
Mas maliit ang gastos nila kapag idinaan sa farmland ang bypass road.