Umabot sa mahigit 7,000 mga mag-aaral sa kolehiyo ang nagtapos sa iba’t ibang kurso sa Pangasinan State University (PSU) sa buong lalawigan.

Ginanap ito sa Stadia para sa Undergraduate habang ang iba naman ay magaganap sa ibang venue para sa ibang programa ng unibersidad.

Hinati ito sa ilang araw mula sa 6 na cluster sa 9 na campuses na mayroon.

--Ads--

Ayon kay Dr. Elbert M. Galas ang president ng Pangasinan State University na ang pinaka maraming nagtapos ay sa Lingayen Campus na umabot sa mahigit 1700 at sumunod at bayambang campus na Mahigit 1400.

Ang tema ng kaganapan ay ” PSUians na may Glokal na kahusayan at kahandaan para sa industriya: Tulay sa Pandaigdigang Ugnayan at kabalikat sa bagong Pilipinas.

Layon ng temang ito na hindi lamang magaling sa lokal na trabaho ang mga magtatapos kundi magiging pambato o maipagmamalaki din sa pandaigdigang trabaho na maaring makipagsabayan sa buong mundo.

Dagdag pa niya, ang PSU ay patuloy na nagsusumikap na i-align ang kanilang mga programa sa mga international standards upang masiguro na ang mga graduates ay may sapat na kaalaman at kasanayan na kailangan sa kanilang napiling larangan.

Patuloy nilang binibigyang prayoridad na maipakita na kayang lumaban ang mga ito sa lahat ng larangan bilang kanilang branding at vision.

Ibinahagi naman ni Dr. Dexter Buted CEO & Administrator ng Philippine Coconut Authority at dating PSU President na nagkakaroon na aniya ng bunga ang kaniyang nasimulan at naranasan noong siya pa ang nanunungkulan.

Tuloy-tuloy naman ang kaniyang pakikipagtulungan sa nasabing unibersidad mas mapaganda pa ang serbisyo na binibigay sa mga mag-aaral para lalong makilala gaya ng pagtutok sa mga gurong nagtuturo dito, mga pasilidad, laboratoryo at iba pa.

Binansagan naman nito ang unibersidad bilang University of the First dahil ito ang sinusundan ng ibang state university na nauuna sa mga aspeto ng pagkatuto at programang nakakatulong sa pagpapalago sa kaalaman ng mga estudyante.

Ipinagmalaki naman ni Dr. Christine Ferrer Regional Director ng Commision on Higher Education na palaging nakakacomply ang nasabinh unibersidad sa kani-kanilang mga requirement kaya hindi maipagkakaila na ito ang sinusundan ng ilang eskwelahan.

Aniya na ang tinitignan ngayon ng mundo ay ang impact ng ilang unibersidad hindi lang sa larangan ng Academic reputation kundi pati narin sa kanilang social mandate and responsibility na naipapakita ng unibersidad upang maimpluwensyahan ang iba na galingan nila.

Saad pa nito na marami nang napatunayan ang PSU sa pagkamit ng mga una gaya ng nangunguna sa quality assurance service at iba pa.

Sa branding and reputation naman ay nangunguna ito sa Region 1 sa lahat ng State Universities and Colleges, pumapangalawa sa Pilipinas at pumapangatlo sa Asia.