Dagupan City – Nakisaya ang halos 600 mga indibidwal sa bayan ng Asingan sa isinagawang taray ti Asingan Color Fun Run bilang pagbubukas ng kanilang pinagmamalaking Kankanen Festival 2025.
Pinangunahan ito ng lokal na pamahalaan upang maibahagi ang suporta sa taunang kaganapan na dinarayo ng mga residente, at mga nasa karatig bayan o lugar.
Inorganisa ito ng hanay ng kapulisan sa bayan sa pamumuno ni Pmaj. Katelyn May Awingan.
Ang “Taray ti Asingan,” isang proyekto ni dating Pangulong Fidel Ramos na sinimulan noong 1982 na nagpapakita ng hindi malilimutang pamana na sa kasalukuyan ay ginagawa parin.
Nasa dalawang kategorya ang pinaglabanan ng mga runners gaya ng 3 kilometer at 5 kilometer.
Libre ang pagsali sa fun run, at may mga premyo namang inihanda para sa mga nanalo.
Dahil dito, naging masaya at makulay ang nasabing aktibidad dahil pinapakita nito na nagsimula na ang kapistahang sa bayan ng Asingan.