Nakumpiska sa isang 41-anyos na driver mula sa bayan ng Villasis ang nasa mahigit 6 na gramo ng droga matapos maaresto sa buy-bust operation ng Rosales Municipal Police Station (MPS) sa koordinasyon ng PDEA-RO1, madaling araw ng Disyembre 4, 2025.

Tinatayang nasa kabuuang 6.60 gramo ng hinihinalang Shabu na may Standard Drug Price (SDP) na PhP44,880.00, nakalagay sa 5 heat-sealed transparent plastic sachet ang nakuha sa kamyang pangangalaga.

Bukod dito, nakumpiska din ang 2 piraso ng genuine PhP100.00 na ginamit bilang buy-bust money, 3 piraso ng PhP100.00, at 1 piraso ng PhP500.00 bilang boodle money, kasama din ang iba pang non drug evidence pati ang isang motorsiklo.

--Ads--

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.