Nagresulta ng pagkakakumpiska ng nasa kabuuang 510,000 pesos na halaga ng shabu habang dalawang indibidwal naman ang naaresto sa isinagawamg buy bust operation sa lungsod ng Cabanatuan sa lalawigan ng Nueva Ecija.
Naging matagumpay ito pangunguna ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Cabanatuan City Police Station na nangyari sa Maharlika Highway, Barangay Sumacab Este.
Sa nasabing operasyon, matagumpay na nakabili ang poseur buyer ng isang sachet ng shabu na may timbang na humigit-kumulang 25 gramo.
Matapos ang pag-aresto, isa pang sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 50 gramo ng shabu ang nakumpiska, kaya umabot sa 75 gramo ang kabuuang nakuhang droga.
Dahil dito ang mga naarestong indibidwal, kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya, ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang pagdodokumento at disposisyon kung saan maari silang mapatawan ng kaso sa ilalim ng paglabag sa RA. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng mga nakumpiskang droga at ang iba pang posibleng sangkot sa ilegal na aktibidad.