Nabigyan ang nasa 417 mga kwalipikadong magsasaka sa bayan ng Pozorrubio ng mungbean seeds o buto ng monggo para sa kanilang sakahan mula sa kanilang Lokal na Pamahalaan.

Ang mga benepisyaryo ay nagmula sa iba’t ibang barangay sa nasabing bayan.

Pinangunahan ito ni Mayor Kelvin T. Chan, sa pakikipagtulungan ng Municipal Agricultural Office at ni Konsehal Lester M. Bermudez ang Chairperson ng Committee on Agriculture.

--Ads--

Ang pamamahagi ay para sa nalalapit na tag-araw (ikalawang anihan).

Layunin nitong suportahan ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim at mapataas ang kanilang ani.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na makatutulong ang programang ito upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa Pozorrubio at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng Monggo.