Aabot na sa 425 na mga gasolinahan sa bansa ang tumigil ng kanilang operasyon dahil sa kakulangan ng suplay.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, napilitan ang mga may-ari ng gasolinahan na magsara dahil sa kakulangan ng suplay ng krudo.

Dagdag pa nito na base ito sa ginawang monitorn ng Municipal Price Coordinating Council (MPCC) na ubos na umano ang kanilang mga stocks.

--Ads--

Base sa kanilang monitoring na marami ang nagsara sa bahagi ng Cordillera Administrative Region kung saan 79 na gasolinahan ang nagsara na sinundan ng Central Luzon na may 46 at Eastern Visayas na mayroong 44.

Habang mayroong apat na gasolinahan sa National Capital Region (NCR) ang nagsara sa kadahilanan ng end of contract, kulang ng suplay at walang suplay.

Ang nasabing mga listahan ay isinumite na ng PNP sa Department of Energy.