Tinatayang nasa 408,000 piso ang nakumpiska na illegal na droga sa lungsod ng Urdaneta matapos maaresto ang isang High-Value Drug Suspect sa bisa ng search warrant ng mga awtoridad .
Naaresto ng mga ito ang isang 39-anyos na lalaki sa lungsod sa pangunguna ng Urdaneta City Police Station kasama ang pinagsanib na pwersa ng Provincial Drug Enforcement Unit at Provincial Intelligence Unit ng Pangasinan PPO, at iba pang unit mula sa Police Regional Office 1.
Ang search warrant ay inisyu noong ika-13 ng Agosto, 2025 ng Regional Trial Court Branch 73 sa Urdaneta City dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bandang 10:30 ng gabi, nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng pulisya sa tahanan ng suspek sa bisa ng search warrant kung saan natagpuan sa lugar ang 12 heat-sealed plastic sachets na naglalaman ng isang puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu, na may kabuuang timbang na 60 gramo.
Matapos ang medical examination, dinala ang suspek sa Urdaneta City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Sections 11 (Possession of Dangerous Drugs) at 12 (Possession of Equipment and Paraphernalia for Dangerous Drugs) ng nasabing batas.
Samantala, patuloy namang pinapaigting ng mga kapulisan ang mga operasyon upang pigilan ang ilegal na droga na sumira sa mga buhay at komunidad