Dagupan City – Aabot sa 381 na sumisigay mula sa iba’t ibang barangay sa Dagupan City ang tumanggap ng tulonv mula sa lokal na pamahalaan.
Binigyan ang mga ito ng tig-iisang charitimba na naglalaman ng mga pangunahing grocery items bilang tulong sa mga naapektuhan ng Habagat at mga nagdaang bagyo.
Kabilang sa mga benepisyaryo na mangingisda ay mula sa mga Barangay ng Bonuan Binloc, Bonuan Gueset, Pantal, Salapingao, Lomboy, Pugaro, Calmay, at Carael.
Isinagawa ang distribusyon bilang bahagi ng pagtugon sa pangangailangan residente naapektuhan ng kalamidad.
Ayon sa mga namahala sa aktibidad, naging posible ang ayuda sa pamamagitan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sa pamamagitan ni Senador Kiko Pangilinan, at sa suporta ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Nakiisa rin sa pagpapatupad ng programa ang ilang opisyal ng lungsod ,City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), PARMC, City Engineering Office, General Services Office (GSO), at Dagupan City Police Office (DCPO).
Layunin ng aktibidad na maihatid nang mabilis at maayos ang tulong sa mga sektor na higit na nangangailangan matapos maapektuhan ng mga pag-ulan, Habagat at mga nagdaang bagyo.










