Nakatanggap ang nasa 3161 na mga magsasaka sa bayan ng San Nicolas ng hybrid rice seeds sa dalawang araw na pamamahagi ng kanilang lokal na pamahalaan.

Ang mga binhing ipinamahagi dito ay kinaibilanggan ng HyvarS26, Advanta, SL 20H, Jackpot, at Biorice para sa kanilang 1,878 ektaryang sakahan.

Dinaluhan ang pamamahagi ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan kung saan nagpapakita ito ng suporta ng munisipyo sa sektor ng agrikultura at sa kapakanan ng mga magsasaka.

--Ads--

Pinuri ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang dedikasyon ng mga magsasaka, na tinukoy niya bilang “binhi at bunga ng pag-asa” ng bayan.

Aniya, ang programang ito ay isang mahalagang hakbang upang matiyak ang
patuloy na pag-aani at pag-unlad ng kabuhayan ng mga magsasaka, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na kanilang kinakaharap.

Naglalayon ang programa na mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mas mataas na ani, mabuting kabuhayan at pagtiyak ng food security sa bayan ng San Nicolas.