Umabot sa 211 na bilang ng mga drayber at konduktor dito sa lalawigan ng Pangasinan ang sumailalim sa random at voluntary drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dexter Asayco, Team Leader ng PDEA dito sa probinsiya, sinabi nito na 104 dito ang drayber habang 106 naman ang konduktor habang may isang dispatcher din ang nagpa drug test.

Maliban naman sa tatlo na kanilang naitala ay wala ng ibang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

--Ads--

Patuloy aniya nilang gagawin ang Oplan Harabas lalo na ngayong Semana Santa kung saan inaasahan ang pagdami ng bilang ng mga babiyahe pa-probinsiya.