(c) Province of Pangasinan website

Nasa mahigit 200 delegado ng Team Pangasinan ang nakatakdang sumabak sa Batang Pinoy National Championships 2019 na gaganapin sa Puerto Princesa City sa Palawan mula August 25 hanggang August 31.

Binubuo ang Team Pangasinan ng 138 atleta, 49 na coach at 19 na opisyal.

Sa isinagawang send-off ceremony, tiniyak ni Pangasinan Sports Development and Management Council (PSDMC) Executive Director Modesto Operania na buo ang suporta ng provincial government at tiwala silang makapag-uuwi ng medalya ang mga atleta na magrerepresentang muli sa lalawigan sa national sports competition.

--Ads--

Ang mga delegadong kasama sa Team Pangasinan ay sumabak na rin sa ginanap na Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg sa Isabela noong Marso kung saan nakapag-uwi ng 23 golds, 24 silver at 26 bronze medals ang mga atleta.

Mababatid na nasa ika limang pwesto ang Team Pangasinan sa Batang Pinoy National Championships noong nakaraang taon na may kabuuang 71 medals.