Mahigit 1,700 sibilyan ang nasawi dahil sa mga pag-atake ng hukbong panghimpapawid ng Sudan sa mga residential na lugar, pamilihan, paaralan, at mga kampo ng displaced people.

Ayon sa Sudan Witness Project, nakabuo sila ng pinakamalaking dataset na kilala tungkol sa mga militar na airstrike mula nang magsimula ang labanan noong Abril 2023.

Ang pagsusuri nila ay nagpapakita na ginamit ng hukbong panghimpapawid ang mga hindi guided na bomba sa mga lugar na matao.

--Ads--

Nakatuon ang datos sa mga pag-atake ng mga eroplano na tanging ang Sudanese Armed Forces (SAF) lamang ang may kakayahang patakbuhin.

Samantala, ang kanilang katunggaling paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF) ay walang eroplano at umaasa sa drone strikes.

Ang RSF ay kinondena sa pandaigdigang komunidad dahil sa umano’y mga ethnic massacre sa rehiyon ng Darfur sa kanlurang bahagi ng Sudan, na nagdulot ng mga kaso ng genocide laban sa kanila ng Estados Unidos.