BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa mahigit 130,000 ang apektadong indibiduwal sa nagdaang bagyong Enteng sa region 1.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa evacuation center ang ilang pamilya dito sa lalawigan at lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Adreanne Pagsolingan, PIO, OCD Region 1, base sa kanilang iitial na nakalap na datos, nakapagtala sila ng mga sira sa kabahayan at imprastraktura sa bahagi ng Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

--Ads--

Dito lamang sa Pangasinan ay nasa 12 infrastructures ang naapektuhan at ito ay sa mga bayan ng Binmaley, Anda, Bani, Malasiqui,San Jacinto, San Fabian, Urdaneta, Bautista,Umingan at Balungao kung saan sa initial na pagtaya ay umabot sa 69 million ang halaga ng pinsala.

Hinihintay pa nila ang report patungkol naman sa naitalang pinsala sa agrikultura.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang consolidation at validation sa iba pang probinsya kaugnay sa naitalang pinsala sa kanilang lugar.

May mga naitalang landslide subalit, agad ding nakumpuni at madadaanan na ngayon.

Panawagan naman niya sa mga local DDRMO na bantayan ang kanilang mga river system at pinayuhan ang publiko na palaging magmonitor ng mga balita sa website ng mga member agencies at sumunod sa mga babala at paalala para sa kanilang kaligtasan.

TIniyak din ni Pagsolingan na nakahanda ang mga member agencies na mag augment at magprovice ng assistance sa mga kababayan sa rehgion 1 sakaling kailangan.

Samantala, may nakataas na gale warning kaya payo niya sa mga maglalayag na huwag munang pumalaot.