Umabot sa mahigit sampung libong beach goers ang nagtungo sa Tondaligan Beach dito sa lungsod ng Dagupan ng nagdaang Semana Santa.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Officer Deputy Chief Bernard Cabison, kung ikukumpara noong nakaraang taon ay mas marami ang mga naitalang bilang ng bumisita ngayong taon sa Tondaligan beach dahil na rin sa dami ng mga bagong ammenities sa lugar.

Ayon kay Cabison, bukod sa nasabing beach ay kapansin-pansin din ang pagdagsa ng mga mananampalataya sa simbahan dito sa syudad sa pagsisimula pa lamang ng Kwaresma.

--Ads--

City Disaster Risk Reduction and Management Officer Deputy Chief Bernard Cabison

Samantala, sa kabuoan aniya ay naging maganda ang paggunita ng Semana Santa dito sa lungsod ng Dagupan. with reports from Bombo Cheryl Cabrera