Natanggap na kamakailan ang pamaskong handog ng mahigit 1 libong senior citizen at PWD sa bayan Pozorrubio mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Ginanap ito sa Jose C. Magno Sports and Civic Center sa bayan kung saan nasa 793 sa mga ito ay mga senior Citizen habang 453 na Persons with Disability (PWD)

Pinangunahan ni Mayor Kelvin T. Chan, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay ng tulong pinansyal kung saan nagbigay din sila ng kanilang mga mensahe at pagbati sa mga benepisyaryo.

--Ads--

Ayon sa LGU, layunin ng Pamaskong Handog na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga senior citizen at PWD sa nalalapit na kapaskuhan.

Ipinahayag din ng LGU ang kanilang pagbati sa lahat ng mga tumanggap ng tulong.