Patay ang 56-anyos na magsasaka matapos mahulog mula sa puno ng mangga sa barangay Leet, bayan ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Napag-alaman na ang biktimang si Roberto Laurean ay nahulog mula sa puno ng mangga.
Ayon sa kaniyang asawa na si Aleng Helena, ilang beses umano nitong pinag-sabihan ang mister na ipagpaliban muna ang pag-spray sa manggahan ngunit hindi raw ito sanay nang walang ginagawa.
--Ads--
Nadala pa sa pagamutan ang magsasaka ngunit dahil sa tindi ng pagkakabagsak nito, nagkaroon ang biktima ng internal bleeding at naapektuhan din ang kaniyang baga.
Naulila ng naturang magsasaka ang kaniyang may-bahay at limang anak.




