Dagupan City – Hindi pabor ang Magsasaka partylist sa panawagang food security sa bansa bagkus ay food sovereignty ang sigaw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Argel Cabatbat, Chairman ng Magsasaka Partylist, nangangahulugan kasi ang food security sa bansa na kontento ka lang sa kung ano ang nakahain at sapat na ito ngunit hindi mo naman inaalam kung saan ito nangggaling.
Bagkus aniya ang dapat na pagtuunan ay ang food sovereignty dahil bibigyang halaga nito ang mga lokal na magsasaka at lokal na produksyon sa bansa.
Ayon kay Argel, mistulang soluyson na rin kasi palagi ang importasyon sa layuning mapababa ang presyo ng bilihin sa bansa, at sa katunayan ay nagunguna ang Pilipinas sa may pinakamaraming bilang ng inimport sa buong mundo.
Kaugnay naman sa ulat ng Philippine Statistics Authority, kung saan ay lumabas na lalo pang bumaba ang bilang ng mga manggagawa sa sektor ng pagsasaka, batay sa isinagawa nitong June 2024 survey.
Sinabi ni Argel na marahil ay dahilan din ang nakikitang kawalang tuon sa budget ng sektor. Hindi naman aniya siya tutol sa importasyon, ngunit sumusobra na ito kung kaya’t gano’n na lamang din ang paglaban ng kanilang grupo sa Rice Tarrification Law.
Samantala, binigyang diin naman ni Cabatbat na hindi lang isa o dalawang sektor at kongreso ang dapat na tumulong sa pagpapaunlad ng lokal na produksyon, kundi dapat ay lahat ng nasa sektor din ng agrikultura upang makamit ang masagang lokal na produksyon sa bansa.