DAGUPAN CITY- Dead on the spot ang tatlong magpipinsan sa Barangay Mal-Ong, sa bayan ng Anda, matapos maaksidnete ang sinasakyang tricycle sa kahabaan ng provincial road.

Ayon kay PSSg. Rey Charld Cervera, investigator on case ng Anda municipal Police Station, na dakong alas-7:56 ng gabi nang mangyari ang insidente sa naturang brgy.

Base sa kanilang imbestigasyon na tinatahak ng motorsiklo ang kabilang linya ng daan kung saan palabas ito ng bayan at patungong bolinao habang ang tricycle naman ay binabaybay ang daan patungo sa población ng bayan.

--Ads--

At dahil sa nakalagay na panambak sa naturang kalsada ay iniwasan ito ng driver ng tricycle at hindi nya napansin ang paparating na sasakyang motorskilo na nagresulta sa pagbanggaan ng dalawa.

Kinilala naman ang driver ng motorsiklo na may edad 23 years old habang ang sakay nito ay 17 years old, at kapwa residente ng Brgy. Ilio-Ilio, sa bayan ng Burgos.

Kapwa naman nasa legal na edad ang driver at sakay ng tricycle.

Dagdag pa ni Cervera na paliko ang daan sa naturang kalsada. Madulas at brownout din nung gabing iyun dahil sa masamang panahon.