Patay ang magpinsan matapos malunod sa ilog sa barangay Lumbang sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na sina Mariel Dalope, 10 anyos at Alysa de Guzman, 11 anyos ng barangay Longos, Calasiao.
Dinala pa sa pagamutan ang magpinsan pero hindi na sila umabot na buhay.
--Ads--
Ayon sa ina ni Mariel, nagpaalam ang kanyang anak na maliligo sa ulan pero pinigilan niya ito kaya hindi niya alam na pupunta sila sa ilog ng kanyang pinsan.
Sinubukan pa raw iligtas ng kanyang pinsan pero maging siya ay nalunod na rin.