Patay ang dalawang magpinsan matapos silang malunod sa Agno River na bahagi ng bayan ng Tayug.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpunta sa Agno River sa bahagi ng barangay Barangobong, Tayug ang magkapatid na sina Jomark at Joshua Lagua kasama ang pinsan nilang si Mike Ibos para mamingwit ng isda.
Pauwi na ang mga ito nang madulas si Mike. Lumusong sa ilog ang pinsan si Joshua upang iligtas si Mike pero hindi na rin nakaahon.
--Ads--
Humingi ng saklolo ang kasama nilang si Jomark pero hindi na nahanap ang dalawa.
Una ng narekober ang bangkay ni Joshua habang pinaghahanap pa ang bangkay ni Mike.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang search and retrieval operations.