Tumama ang isang lindol na may lakas na 7.7 magnitude sa gitnang Myanmar, na nagdulot ng takot at pinsala sa Thailand kung saan isang 30-palapag na gusali ang bumagsak sa Bangkok dahilan upang matrap ang 43 manggagawa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Verm Gerald Pugoy – Bombo International News Correspondent sa Thailand naramdaman nito ang pagyanig noong siya ay nasa elevator patungo sa kaniyang dormitoryo.
Dahil sa lakas ng pagyanig ay kinailangan nilang tumakbo palabas ng gusali at mag-evacuate.
Bagama’t ito ang kaniyang unang pagkakataon na makaranas ng lindol ay lubos niyang ikinatakot ang ganitong karanasan.
Aniya ay nagpanicked at natakot ang mga tao at halos nasa kalahating oras ang kanilang ginugol bago makapag-evacuate.
Hindi man sila nakaranas ng aftershock sa kaniyang kinaroroonan subalit aniya sa ilang bahagi ng Myanmar ay humigit 21 na aftershock ang naitala.
Umaasa naman ito na mahahandle ng maayos ang sitwasyon subalit sa ngayon ay hirap parin silang makahanap ng mga paraan dahil sa naging pinsala ng lindol.