Nagtala ng kaunting pinsala ang magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur kahapon.

Ito ang napag alaman sa pakikipag-panayam ng bombo radyo Dagupan kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum.

Ayon kay Solidum nakita ang sentro ng lindol sa 11 km hilaga ng San Agustin, Surigao Del Sur at may lalim itong 54 kilometro.

--Ads--

Ipinaliwanag ni Solidum na ang nabanggit na lalim ng lindol ay iniuugnay sa nasa harapang Philippine trench.

Ang Philippine trench ay madalas aniyang gumagaw na karamihan ay maliliit at kung minsan ay malalakas na lindol.

Dahill dito, pinaalalahan ni Solidum ang mga mamamayan sa Eastern Mindanao na bantayan ang kilos ng Philippine trench dahil puwedeng maganap ang malalakas na lindol na posibleng magkaroon ng tsunami.

Phivolcs director Renato Solidum