Niyanig ng Magnitude 5.7 na lindol ang bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang ala-1:53 ng madaling araw, Disyembre a-22, kungsaan naramdaman ito sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan pati na sa Surigao del Norte, ilang parte ng Davao at gayun din sa Butuan City.

Ayon sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PhiVolcs , ang lindol ay may lalim na 10 kilometro at ang sentro nito ay matatagpuan sa 135 kilometro sa hilaga, ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Naramdaman ang Intensity III sa pagyanig sa Bislig City, kung saan ilang residente ang nagising dahil sa pag-uga ng kanilang mga bahay at bahagyang pagyanig sa paligid.

--Ads--

Sa kasalukuyan, wala pang naiulat na malaking pinsala sa mga ari-arian o nasugatan na mga residente, subalit nagpapatuloy ang pagmamanman ng mga awtoridad.

Pinapayuhan din ang publiko na manatiling kalmado, magbantay sa mga abiso mula sa mga awtoridad, at maging handa sa posibleng susunod na mga pagyanig.

May naitala na ring mga aftershock sa bayan ng sa Cagwait, na may lakas na magnitude 3.9, at 2.3 sa bayan din ng Hinatuan.