Niyanig ng dalawang beses ang San Bernardino sa California nitong umaga.

Ang unang pagyanig ay tumama sa lugar bandang 9:44 ng umaga, local time na may magnitude na 3.5, at sinundan ito ng pangalawang lindol bandang 9:48 ng umaga na may magnitude na 3.0, ayon sa U.S. Geological Survey.

Ang parehong lindol ay naganap mga tatlong milya hilaga-hilagang-silangan ng San Bernardino, at may lalim na higit sa apat na milya.

--Ads--

Wala pang nai ulat ng pinsala.

Ang lindol na may magnitude 3.5 ay naramdaman sa San Bernardino, pati na rin sa Ontario, Victorville, Hesperia, at Riverside.

Naramdaman din ang pagyanig ng mga residente sa Inglewood, Redondo Beach, Palm Springs, Huntington Beach, at hilagang bahagi ng San Diego County.