Sa gitna ng umiiral na Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) dulot ng Covid-19 pandemic ay itinuloy pa rin ang pagpapakasal ng isang magkasintahan dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sina Daniel at Gracely Villafania-Catchillar ay pinag isang dibidb sa Kingdom Hall, sa Barangay Poblacion Norte sa bayan ng Santa Barbara.

Ayon sa mag asawa, na parehong Jehovah’s Witnesses, hindi na sila makapaghintay na matapos ang pandemya dahil gustong gusto na nilang magkasama kaya itinuloy ang kasal.

--Ads--

Ibinahagi ng dalawa ang hirap na kanilang pinag daanan sa paghahanda sa kanilang espesyal na araw dahil sa umiiral naextreme ECQ sa probinsya.

Ang lalaki ay mula sa bayan ng Basista habang ang babae ay mula naman sa bayan ng Santa barbara.

Noong una ay pinayuhan na silang ipagpaliban ang kasal pero itinuloy pa rin ang kanilang plano.

Nakakuha naman ng permiso ang mag kasintahan na magpakasal mula kay Sta. Barbara mayor Joel Delos Santos, basta sumunod sila sa protocols ng Inter-Agency Task Force on Covid-19.

Sinunod nila lahat ng dapat gawin gaya ng pagsusuot ng facemask, physical distancing, at sanitation.

Nabatid na walong katao lang kabilang ang kanilang mga magulang, isang ministro, dalawang witnesses, at isang photographer ang dumalo sa nasabing kasal.