Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng isang pamilya matapos malunod ang dalawang magkapatid habang naliligo sa San Fabian beach sa San Fabian, Pangasinan.

Ayon kay PLT. Mark Carlo Estepa, Deputy Chief of Police ng San Fabian Pnp, nakilala ang mga biktima na sina Robaldo Garbo at Reynaldo Garbo na parehong mga residente ng Brgy. Sta Ines sa bayan ng Manaoag.

Base sa imbestigasyon, bago ang insidente ay naliligo sa dagat ang magkapatid at makalipas ang ilang minuto ay biglang lumakas ang alon at natangay ang dalawa sa malalim na bahagi ng dagat at dahil nga sa nasa impluwesiya din ng alak ang mga ito ay nahirapan silang umahon na naging sanhi na nga ng kanilang pagkakalunod.

--Ads--

Sinubukan pa umano silang irevive ng kanilang mga kaanak ngunit unconscious na ang mga biktima at kasunod nga nito isinugod sila sa pagamutan upang malapatan sana ng paunang lunas ngunit idineklara ding DOA.

Maliban naman sa naturang insidente ay may nasawi din dahil sa pagkalunod noong April 17 na isang 59 anyos na lalaki.

Saad ni Estepa, simula noong april 16 hanggang ngayon ay mayroon ng naitalang lima na naging biktima ng pagkalunod sa San Fabian beach.