Dahil sa lumang alitan ang tinitignang motibo ng pananaksak ng isang senior citizen sa kapatid na kapwa senior citizen sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinikilala ang magkapatid na sina Felix Javenar, 64 anyos, may asawa at Camelo Javenar, may asawa at residente ng barangay Santa Maria sa nasabing bayan.

Ayon kay police Lt. George Banayos, COP ng San Nicolas, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nag iinuman ang magkapatid hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan hanggang sa nakakuha ng patalim ang nakatatandang kapatid at sinaksak ang biktima.

--Ads--

Boluntaryo namang sumuko ang lolo matapos ang insidente habang nagpapagaling na ang biktima.

police Lt. George Banayos, COP ng San Nicolas