Naalarma ang mga health authorities pati na ang mga residente matapos na makapagtala ng sunod sunod na suspected dengue sa isang barangay sa San Quintin, Pangasinan.
Hunyo 12 ng magsimulang ma-admit sa isang pagamutan ang isang pasyente mula sa nabanggit na lugar na kalaunan umano nasunduan ng isa pa, hanggang sa magtuloy tuloy na.
Sa datos ng nasabing ospital, umabot sa 20 bilang ng suspected dengue patient ang dinala dito, at lahat ng mga ito ay nagmula lamang sa brgy Alak, sa bayan ng San Quintin.
Agad namang bumuo ang kanilang Municipal Health Office ng Task Force matapos maalarma sa taas ng bilang ng mga nadapuan ng naturang sakit. Bukod pa rito, nagsagawa na rin ng assesment sa lugar ang Provincial Health Office at nagbigay ng logistic support para sa nesting operation
Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng mga otoridad sa nabanggit na barangay.