DAGUPAN CITY–Isa ang patay habang anim na kataao ang sugatan sa aksidente sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, sakay ng tricycle ang isang lola at lima pa nitong kaaanak para maki-last night sana sa burol ng 14 anyos na estudyante na namatay dahil sa Japanese encephalitis sa bayan ng Bayambang pero nangyari ang aksidente.

Hindi na umabot ng buhay ang 70 anyos na si Letecia Cabading mula sa Nueva Ecija.

--Ads--

Sugatan naman ang mga kasama nito pati ang driver ng tricycle matapos ang maaksidente.

Ayon sa driver na si Joy Osio, sinubukan nitong ideretso sa bukid ang tricycle pero nahagip ito ng kasalubong na kotse.

Wala namang nasaktan sa mga sakay ng kotse.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.