Dagupan City – Matagumpay na naaresto ng mga awtoridad ang dalawang wanted na indibidwal sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa mga bayan ng Umingan at Tayug na parehong bahagi ng ika-anim na distrito ng Pangasinan.
Sa Tayug, isang 49-anyos na lalaki residente sa Barangay Poblacion D, ang naaresto ng mga tauhan ng Tayug Police.
Nahuli ito sa bisa ng warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code (NIRC) ng 1997.
May inirekomendang piyansa ang kanyang kaso sa halagang Php60,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan .
Matapos ang pag-aresto, dinala ito sa himpilan ng kapulisan para sa kaukulang dokumentasyon.
Samantala, sa Umingan, isang 77-anyos na lalaking residente ng Barangay San Roque, Lupao, Nueva Ecija, ang naaresto sa Barangay Poblacion West.
Pinangunahan ang pagkakaaresti dito ng Umingan Municipal Police Station dahil sa kasong Theft, at kinakailangan ang Php10,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon kasalukuya nang nasa kustodiya ng Umingan MPS ang suspek.
Samantala , Nagpapakita ang nasabing operasyon ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan sa Pangasinan na mapanatili ang kaayusan at seguridad sa kanilang nasasakupan.