Nakatakdang magpatupad ng halong pagsasaayos sa presyo ng produktong petrolyo, bukas, araw ng martes, Pebrero 4 matapos ang kakatapos na roll back.
Sa magkahiwalay na abiso, ang mga kumpanya ng langis ay magbababa ng presyo sa diesel ng P1.15 kada litro at P0.90 naman sa kada litro ng kerosene.
Gayunpaman, tataas naman ng P0.70 kada litro ng gasoline.
--Ads--
Ipapatupad naman ng Petro Gazz at Seaoil ang pagsasaayos bukas ng alas-6 ng umaga, habang 8:01 ng umaga naman ang Cleanfuel.