Naniniwala ba kayo mga Ka Bombo na posible na palang planuhin kung ano ang magiging kasarian ng magiging anak?

Ayon sa mga eksperto, mabilis ang langoy ng mga semilya ng lalaki kung saan nabubuhay ito sa isang araw habang mabagal naman ang egg cell ng babae na tumatagal ng tatlong araw.

Mataas umano ang tiyansa na makabuo ng baby girl kung makikipagtalik ilang araw bago ang tinatawag na “ovulation” ng isang babae.

--Ads--

Gamit ang kaalamang ito, maaring subukan ng mag-asawa na magtalik sa loob ng dalawa o tatlong araw bago mahinog ang egg cell ng babae, sa ganitong panahon, namamatay na ang mga semilya ng lalaki kaya babae ang posibleng maging anak.

Kung itataon naman ito sa pagtatalik sa araw na hinog ang egg cell, posibleng lalaki ang magiging anak dahil sa mabilis na pagkilos ng semilya ng lalaki.

May dalawang klase ng sperm cells na magtatakda ng kasarian ng baby.

Kapag ang sperm na may dalang ‘X chromosome’ ang naka-fertilize sa egg cell ng babae, magiging babae ang anak.

Kung ang sperm naman na may dalang ‘Y chromosome’ ang maka-fertilize sa egg cell, magiging lalaki ang baby.

Gayunpaman, tandaan nakasalalay pa rin sa kalooban ng Diyos kung babae o lalaki ang ipagkakaloob na anak sa mag-asawa.