BOMBO DAGUPAN BOMBO DAGUPAN – Patuloy na binabantayan ang situwasyon sa mga mababang lugar sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Vice Gov. Mark Ronald Lambino, patuloy na minomonitor ang mga river system sa Pangasinan makaraang makitaan ito ng pagtaas nitong nakalipas na pagbaha dala ng bagyong Enteng.

Patikular na rito ang Marusay River sa bayan ng Calasiao na nananatiling mataas ang water level perp mababa na ang water level sa ibang river system.

--Ads--

Kasama sa binantayan ang Camiling River system dahil naapektuhan nito ang Southern barangay sa lalawigan.

Sa situwasyon naman sa mga dam, walang nakabukas na gate sa San Roque dam.

Sa ngayon, karamihan ay bumaba na rin ang tubig baha sa mga apektadong lugar maliban lang sa ilang lugar sa bayan ng Calasiao at lungsod ng Dagupan kung saan naitala sa 4 feet hanggang 5 feet ang lalim ng tubig.

Samantala sa pinakahuling datos na nakalap ng office of the vice governor, nasa halos P70 million ang initial na pinsala sa imprastraltura na karamihan ay kalsada habang P30 million ang pinsala sa agrikultura partikular sa mga pananim habang nasa P480,000 naman sa live stock.