DAGUPAN CITY– Bangkay na ng matagpuan ng kaniyang kaanak ang isang mag-uuling sa Sinucalan River sa bahagi ng bayan ng Sta. Barbara Pangasinan, matapos mapaulat na nawawala.

Kinilala ang biktimang si Salacnev Navarete, 33 anyos, na residente ng Brgy. Inamotan sa bayan ng Manaoag.

Batay sa ulat mula sa mga otoridad, dalawang araw nang hindi umuwi sa kanilang tahanan ang biktima.

--Ads--

Bago mawala, kumain pa ito ng tanghalian kasama ang kaniyang mag-iina at matapos ay nagpaalam na isasalansan ang kanilang mga produkto.

Natagpuan nalamang na palutang-lutang ang bangkay nito sa Sinucalan River sa bayan ng Sta. Barbara.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, matapos magsalansan ng mga uling, nakipag-inuman ang biktima at naligo sa ilog subalit, hindi na ito naka-ahon pa.