DAGUPAN CITY– Sugatan ang maglive-in partner matapos pagtatagain ng kanilang tiyhuin sa syudad ng Alaminos Pangasinan dahil sa umano’y pagiging tsismoso’t tsismosa.

Malalalim na sugat sa balikat at tagiliran ang tinamong ng 24-anyos na biktimang si Alfredo Camba habang sugat naman sa paa ang tinamo ng kinakasama nitong si Vanessa Tumbaga.

Kinilala naman ang suspek na tiyuhin ng mga biktima na si Angelito Raon.

--Ads--

Ayon sa impormasyon, palaisipan sa mga biktima kung bakit sila pinagbibintangang mga tsismoso at tsismosa.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng mga kapulisan ang pangyayari upang malaman kung sino ang may sala.

Handa naman umanong makipag-ayos ang tiyuhin ng mga biktima sa kanila.