Dagupan City – Arestado ang mag-live in partner matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Bonuan Boquig sa Dagupan City.

Sa operasyon, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng anim na gramo, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱40,800.00.

Kasalukuyang nakakulong ang mag-live in partner at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng mga nasamsam na droga at posibleng iba pang sangkot sa iligal na aktibidad.