Dagupan City – Arestado ang mag-live in parter at isang indibidwal sa bayan ng San Fabian, Pangasinan matapos mahulihan ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Plt. Col Michael Datuin, Chief of Police ng San Fabian Police Station sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng kanilang hanay katuwang ang PDEA RO1 sa Brgy. Sobol sa nasabing bayan ay naaresto ang tatlong suspek na kinilalang sina Ramon Fernandez, 37-anyos kasama ang kanyang live-in partner na si Carlota Cera, 28-anyos, parehong residente sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Nakumpiska sa mga ito an tinatayang 1.55 gramo na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10,500. Dito na rin naaretso si Daryl Bautista na residente rin sa bayan ng Mangaldan matapos mahuli ito sa akto na bumibili ng hinihinalang shabu sa dalawa.

--Ads--

Narekober naman sa kanya ang isang piraso ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang 0.4 na gramo na nagkakahalaga naman ng P2,720.

Lumalabas naman sa isinagawang imbistigasyon na kalalabas lang din sa piitan ni Ramon noong nakaraang taon ngunit bumalik pa rin ito sa kaniyang ilegal na gawain.

Sa kasalukuyan, ang mga naarestong suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala na sa kanilang himpilan para sa dokumentasyon at maaring maharap sa paglabag sa RA 9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.