Natukoy na ang totoong pagkakakilanlan ng mag inang naghain ng reklamo sa office of the Deputy Ombudsman for Luzon laban kay Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) Chief Secretary Raul Lambino at asawa niyang si Mangaldan Mayor Marilyn de Guzman Lambino.
Ang mga “complainants” na sina Rosela at Rowena Cuyos Tabano, na napaulat na katulong ng mag asawang Lambino mula January 2019 hanggang June 2021 ay ginamit lamang.
Una rito, ang dalawa umanong biktima ay sinasabing residente ng South Cotabato, at inaakusahan ang mga Lambino ng 10 Counts of Rape, Child Abuse at Serious Physical Injuries.
Sinasabing sila sa Citizens Movement Against Crime, Corruption, Illegal Drugs and Gambling Inc. (CMACCIDGI) na pinamumunuan ng isang Professor Salvador Singson-de Guzman.
Binigyang diin ni Lambino na ang mga napasakamay nilang ebidensya ay pawang gawa gawa lang nina Jaime Gutierrez Aquino at Jerry M. Hernandez, parehong contributors mula sa Manila Times.
Si Aquino, na residente ng Barangay Asierda, Mapandan, at Hernandez, na mula naman sa Tarlac City ay binayaran umano ng mga maimpluwensyang pulitiko sa Pangasinan.
Nabatid na ang totoong pangalan at pagkakakilanlan ni ‘Rosela Tabano’ ay Razel Abracia Posadas, residente ng Sta. Maria, Mapandan, kasal kay Brian Posadas at may apat na anak.
Habang si “Rowena Cuyos Tabano” ang tunay namang pangalan ay Manilyn Justo Mendoza na kilala rin sa pangalan na Mylene Mendoza, live-in partner ni Aquino, may tatlong anak at residente ng Asierda, Mapandan.
Nabatid din na ang binabanggit na Singson-de Guzman, na umanoy pinuno ng CMACCIDG ay mismong si Aquino.
Dagdag ni Lambino na ang CMACCIDGI ay hindi nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC) at ginamit lang ni Aquino sa kanyang pangingikil at pamba black mail sa kanyang mga biktima.