Mga Kabombo!

Age is just a number ika nga nila. Pero syempre hindi lamang sa pag-ibig kundi sa ibang bagay rin.

Dahil ang mag-housemates sa bansang Australia ay may age gap na 51 years.

--Ads--

Kung saan twenty-two years old lamang si Ella, habang 73 years old naman ang kaniyang housemate na si David.

Sa isang post nito lamang October 13, 2024, naiulat na noong September 9 ay naging housemates ang dalawa matapos mag-backpacking ni Ella sa Australia.

At naninirahan na siya ngayon sa place ni David sa Manly, Sidney.

Nalaman lamang ni Ella, mula sa isang customer sa isang cafe, na tumatanggap ng housemate si David.

Ang customer naman na ito ay nagtatrabaho sa isang women’s refuge na nangangalaga sa mga biktima ng domestic violence.

Timing is everything talaga, mabuti na lamang at kaibigan nito si David na nagkataong may spare room na ino-offer sa mga babaeng nasa pangangalaga ng women’s refuge at kailangan ng matutuluyan.

Sa kabila ng kanilang generation gap, para kay Ella ay si David ang “best housemate she’s ever had.”

Ang dalawa ay magkasamang nagluluto, nag-eehersisyo, tumatakbo sa labas para magpapawis, at kumakain ng ice cream.

Lagi ring sinasabi ni David kay Ella na naaalala nito sa kanya ang anak niyang babae na ngayon ay 45 years old na.

Habang binibiro rin nito ang dalagang housemate bilang “stand-in daughter” nito.

Ngunit gaya nga ng mga normal na housemates o magkaibigan ay aminado naman si Ella na may mga pagkakataong nagkakaroon din sila ni David ng argumento.

Isang halimbawa rito ay madalas siya nitong aluking kumain ng cookies, na tinatanggihan niya parati dahil concsious siya sa kanyang diet.

Subalit ayon naman kay David ay madali na silang nakapag-adjust at friend for life na ang turing nila sa isa’t isa.