BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang mag-asawa sa nangyaring sunog sa Barangay Matalava sa bayan ng Lingayen.

Ayon kay Chief Investigator SFO1 Jackielyn R. Manuel, BFP Region 1 Lingayen na may tumawag na isang concerned citizen sakanila kung saan inireport nito na may nangyayaring sunog.

Base sa pinangyarihan ng insidente ay natrap sa kanilang bahay ang mag-asawa kaya’t hindi agad nakalabas bagamat ang kanilang bintana ay may mga bakal.

--Ads--

Rumesponde naman kaagad ang kanilang kasamahan at agad din itong itinawag sa provincial office upang humingi ng tulong sa mga kalapit barangay.

Ang katabing bahay naman nito ay partially damaged at lubusang ikinalungkot ng kanilang mga kaanak ang hindi inaasahang pangyayaring ito.

Sa kasalukuyan ay under investigation pa ang nangyaring sunog at paalala naman nito na palagiang mag-ingat at icheck ang mga kagamitan lalo na ang mga electrical ay tanggalin ang mga saksakan.

Kapag nagluluto naman aniya ay ugaliing bantayan ito para maiwasan ang ganitong mga insidente.