DAGUPAN CITY– Matagal ng alitan ang nakikitang motibo ng pamamaril ng suspek sa mag-asawa sa barangay Calitlitan sa bayan ng Umingan, Pangasinan.

Patay ang 42 anyos na si Elvira Sobremonte matapos magtamo ng tatlong tama sa ibat ibang bahagi ng katawan habang nasugatan naman sa likod ang mister na si Warlito Sobremonte.

Maswerte namang hindi tinamaan ang kanilang dalawang anak na nooy nasa loob ng kanilang bahay.

--Ads--

Samantala, naaresto sa isinagawang follow up operation ang suspek na si Pebesito Mostairo, kapitbahay ng mga biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, unang binato ng suspek ang kanilang bahay kaya napilitan ang mag-asawa na lumabas saka sila pinagbabaril ng suspek.

Nakuha sa crime scene ang dalawang basyo ng M16.

Lumalabas sa imbestigasyon na matagal nang may alitan ang mag asawa at ang suspek.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong isasampa laban sa suspek