Balak ba ng inyong pamilya na lumipat ng ibang bahay? Mananatili pa rin ba kayo kung makadiskubre kayo ng naiwang “creepy” note na may pagbabala hinggil sa kung anong misteryo ang nakapaloob sa pamamahay na inyong nilipatan?

Binalot ng misteryo ang mag-asawang Rainier nang makadiskubre sila ng isang nakakatakot na kasulatan, ilang buwan ang nakalilipas nang lumipat sila sa isang bahay sa labas ng Seattle, Washington.

Isang gabi ay nag-uusap ang mag-asawa sa kanilang kusina hinggil sa plano nilang renovation sa bago nilang bahay.

--Ads--

Sa kanilang pagbusisi sa kusina, nakakita sila ng isang handwritten note na nakaipit sa isa sa mga cabinet.

Kanila nang ikinagulat ang nakasulat sa papel kung saan nagbabala itong huwag nilang tignan ang ilalim ng kanilang sahig.

Sa likuran naman ng papel, may mga numerong : “29065300489382.”

Gayunpaman, sa likod ng misteryong ito, naexcite ang mag-asawa sa kung anong nakatagong misteryo ang kanilang matutuklasan.

Sinubukan naman ng mga homeowners na hanapin online ang mga numero ngunit nabigo lamang sila.

Hindi ito sinukuan ng mag-asawang Rainier at kanilang tinignan ang maaaring kombinasyon ng mga numero tulad na lamang ng unit number, ZIP code, taon kung kailan itinayo ang nasabing bahay, at marami pang iba, at hindi rin sila pinalad.

Humingi na rin sila ng tulong sa internet people subalit, wala rin katiyakan ang mga ito.