Labis na lungkot ang nararamdaman ng mga anak ng mag asawang Pangasinense na naninirahan sa New Jersey sa Amerika, na nasawi sa Covid-19.
Ang mag asawa na tubong Dagupan city at bayan ng Sison, Pangasinan ay naninirahan na sa Amerika.
Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, March 19 nang ma-admit sa ospital si Alfredo Pabatao na nagtratrabaho bilang medical transporter pero namatay siya noong March 26 dahil sa covid-19. Samantala, March 30 naman nang pumanaw ang asawa na si Susana Pabatao na nahawaan din ng covid 19.
Pinaniniwalaan na nakuha ng mag asawa sa ospital ang virus dahil kabilang sila sa mga front liners.
Sa kasalukuyan, apat nang Pinoy ang nasawi matapos dapuan ng coronavirus disease (COVID-19) sa New York at New Jersey sa America.
Nasa 143,000 ang bilang ng Pinoy sa New York at 170,000, na karamihan ay mga immigrant.