Dagupan City – Nasunog ang sinasakyang motorsiklo ng mag-ama sa bayan ng Sta. Barbara matapos itong masabugan ng dala-dalang kwitis.

Ito ang kinumpirma ng mga awtoridad na ang insidenteng unang iniulat bilang vehicular traffic accident sa bayan sa firecracker-related incident.

Ayon kay PLt. Col. Michael Datuin, hepe ng Sta. Barbara PNP residente umano ang mga ito sa bayan.

--Ads--

Lumalabas naman na bumil ang mga ito ng 100 piraso ng kwitis bago umuwi saka inangkas ang mga ito sa motor.

Sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi na rin nila namalayan, na habang umaandar pala ang motor ay sumasayad pala umano ang paputok sa sementadong kalsada, dahilan upang magliyab at tuluyang sumabog ang mga ito.

Dahil sa pagiging sensitibo ng paputok, mabilis na kumalat ang apoy na nagresulta sa pagkasunog ng motorsiklo.

Nasunog rin ang mga paa ng mag-amang sakay. Agad namang dinala ang mga ito sa pagamutan upang malapatan ng lunas.

Patuloy ang paalala ng pulisya sa publiko na mag-ingat sa pagbili, pagdadala, at paggamit ng mga paputok, lalo na sa pagbibiyahe, upang maiwasan ang kaparehong insidente at masigurong ligtas ang lahat, lalo na ang mga bata.