BOMBO DAGUPAN – Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte na tatakbo sa pagka-senador sa 2025.

Sinabi ng dating pangulo na sa ngayon ay wala pa silang desisyon.

Bukod kasi sa dating pangulo ay binanggit ng Vice President ang 2 kapatid nito na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City First District Representative Paolo Duterte na tiyak ang pagtakbo sa pagkasenador sa susunod na taon.

--Ads--

Ipapaubaya na lamang niya sa Maykapal ang kapalaran nito sa halalan.

Dagdag pa nito na hindi rin siya kinonsulta ng anak na si Sara noong ito ay nagbitiw bilang kalihim ng Department of Education.