Dagupan City – Nagbigay abiso ang lokal na Pamahalaan ng Dagupan sa pamamagitan ng Public Alert Response and Monitoring Center Dagupan at Dagupan City Disaster Risk Reduction & Management Council sa mararanasang high tide ngayong araw ng martes lalong Lalo na sa mga mababang lugar dito sa lungsod ng Dagupan.

Kung saan nasa 4.27 talampakan o nasa 1.3m ang peak ng high tide na nagsimula kaninang 8:28 ng umaga at mararanasan naman ang pagbaba nito o low tide mamayang alas-5:34ng hapon sa lebel na – 0.13FT/0.04M.

Kaya naman pinag-iingat at pinaalalahanan ng publiko sa palagiang pagsusuot ng proteksyon sa paa gaya na lamang ng bota o di kaya ay manatili na lamang sa loob ng kabahayan kung wala naming mahalagang gagawin sa labas upang maiwasan ang mga sakit maaring makuha gaya ng leptospirosis at alipunga. Madalas din na mararanasan ito ngayong tag-ulan.

--Ads--

Bukod dito ay kanila rin naming inaanunsyo o pinopost ang maitatala na high tide sa kanilang page para sa kaalaam ng publiko upang sila rin ay maging handa.